.
Kasama umano rito ang pagpapatupad ng physical distancing, kung saan 30 porsiyento lang ang kanilang papapasukin sa loob ng simbahan habang umiiral ang general community quarantine. "Pero hindi namin ma-kontrol iyong nasa labas kasi sa iba, ang daming mga gustong magsimba, hindi makapasok ng simbahan kaya nasa labas na lang sila," ani Pabillo.At bilang pagsunod din sa kautusang iwasan muna ang pagkanta sa videoke, gagawin namang limitado ang bilang ng mga choir members, at hiwa-hiwalay din o malayo ang pagitan ng mga kakanta sa misa.
Source: Healthcare Press (healthcarepress.net)