Suspek sa panggagahasa sa menor de edad sa Maynila, natunton nang maka-video call ng biktima

  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 25 sec. here
  • 6 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 27%
  • Publisher: 68%

Crime News

Tondo,Manila City,Btb

Timbog ang isang lalaki na nanggagahasa umano ng menor de edad na itinuturing siyang lolo-lolohan sa Tondo, Maynila. Ang biktima, nahanap ang suspek nang maka-video call niya ito.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Huwebes, nadakip ang suspek makalipas ang tatlong taong pagtatago.Matapos ang krimen, nagtago ang suspek sa Valenzuela at Maynila, ayon sa Manila Police District."Noong magka-video call sila na record nu'ng bata, 'yung area na pinagtataguan daw po nitong suspect ay mismong doon sa ancestral house nila na napuntahan na rin ng bata," sabi ni Police Captain Veronica Apresurado ng Manila Police District.

Nakapanayam ng GMA Integrated News ang bata, na 15-anyos na ngayon, na nagsabing gumagamit umano ng bawal na gamot ang suspek.Tumangging magbigay ng pahayag ang lalaki, na nahaharap sa kasong rape by sexual assault, alinsunod sa Section 5 B Article 2 ng Republic Act 7610 o Special of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ayon sa pulisya, hindi naman itinanggi ng suspek ang paratang sa kaniya. Kukuha na lamang daw siya ng abogado. — VDV, GMA Integrated News

Tondo Manila City Btb Btbbalita

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 11. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Suspek nanggapos at nanggahasa ng masahista sa Maynila, huli ulit nang mambiktima sa AntipoloMuling hinuli ang lalaking suspek sa panggagapos, pagbusal, at panghahalay ng isang babaeng masahista sa Maynila, matapos siyang mambiktima ulit ng massage therapist sa Antipolo City.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Pagnanakaw ng 2 lalaki sa motorsiklong ginagamit sa hanapbuhay sa Maynila, nahuli-camNasapul sa CCTV ang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa isang motorsiklo na ilang buwan pa lamang ginagamit ng may-ari sa kaniyang hanapbuhay sa Tondo, Maynila.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Lalaki, patay nang barilin ng kainuman sa Maynila; droga at pikunan, posibleng motibo sa krimenNasawi ang isang lalaki nang barilin ng kaniyang kainuman sa Tondo, Maynila. Ilan sa mga posibleng motibo sa pamamaslang ang droga at pikunan.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Spa may ‘sex service’ sinalakay: 2 timbog, 12 babae nasagipNasagip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 12 na kababaihan na pinaniniwalang mga biktima ng human trafficking habang arestado ang may-ari ng isang spa at tauhan ng isang spa sa lungsod ka­makalawa ng gabi.
Source: PhilstarNews - 🏆 1. / 94 Read more »

Twin girls, 5, die in Tondo fireTwin five-year-old girls died in a fire that broke out in their house in Tondo, Manila yesterday.
Source: PhilstarNews - 🏆 1. / 94 Read more »

Bahay ng fire volunteer isa sa 40 na natupok sa MaynilaNasa 50 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa Malate, Manila dahil sa sunog. Isa sa mga natupok ay ang bahay ng isa sa mga fire volunteers.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »