Suspek nanggapos at nanggahasa ng masahista sa Maynila, huli ulit nang mambiktima sa Antipolo

  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 60 sec. here
  • 9 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 51%
  • Publisher: 68%

News News

Btb,Btbbalita,Btbpromdi

Muling hinuli ang lalaking suspek sa panggagapos, pagbusal, at panghahalay ng isang babaeng masahista sa Maynila, matapos siyang mambiktima ulit ng massage therapist sa Antipolo City.

Sa ulat ni Nico Waje sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, makikita ang ilang larawan mula sa Antipolo Police ng ginawang paggapos ng suspek sa mga paa at kamay ng massage therapist sa isang motel sa lungsod."Pinapasok niya ako, nakahawak po siya sa pintuan... Sinunggaban niya po ako tapos nakatutok 'yung patalim niya sa akin. Ang lakas na po ng sigaw ko, wala pong nakarinig kasi naka-volume 'yung TV.

Hanggang sa ginapos, binusalan at piniringan na umano ng suspek ang masahista. Dahil sa takot, napilitang sumunod ang biktima sa mga kagustuhan ng suspek."Ginawan ko na lang ng paraan 'yung paa ko para maipantay kahit sobrang sakit ng higpit ng tali niya sa paa ko. Tumalon talon po ako hanggang sa makababa ako, hanggang sa tumatalon-talon ako para mapansin na ako ng boy," sabi ng biktima.

"Itong suspek nating ito ay nahuli natin dito sa lungsod ng Maynila dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at eventually ay nasita nga ito ng mga tropa natin at wala rin siyang maipakitang lisensiya and nakitaan din siya ng illegal drugs kaya doon natin siya sinampahan ng kaso," sabi ni Police Major Philipp Ines, spokesperson ng Manila Police District."Na-inquest natin siya roon at 'yun nga after ilang days naka-receive tayo ng release order coming from the prosecutor.

"Para ma-pacify 'yung victim na hindi na pumalag, pinakita niya 'yung mga previous rape victims niya together with the video. Na sinabi niya 'Hindi ikaw ang una,'" ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, Chief ng Antipolo Police.

Btb Btbbalita Btbpromdi Crime Masseuse Rapist Rape Sexual Assault

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 11. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Group of instrumentalists got to try this bamboo organ in Antipolo CityFrom Metro Manila, the YMCA Manila Gold Triangle Club traveled to Antipolo City to try Carolina Bamboo Carden’s bamboo organ, which can be found inside their Bamboo Museum.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Father and son nabbed for illegal sale of firearms in AntipoloA man and his son were nabbed in Antipolo City for the alleged illegal sale of firearms and ammunition in their car repair shop.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Antipolo adopts Paleng-QR Ph PlusDefining the News
Source: MlaStandard - 🏆 20. / 55 Read more »

Pasahero, patay nang mabagsakan ng poste ang sinasakyang tricycle sa Antipolo; driver sugatanPatay ang isang babaeng pasahero matapos mabagsakan ng poste ang sinasakyan niyang tricycle sa Antipolo City. Ang driver, nakatalon ngunit nagtamo ng sugat sa ulo.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Masahista, iginapos, binusalan at ginahasa umano ng lalaking customer sa MaynilaSa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos niyang igapos, busalan at gahasain umano ang isang babaeng masahista na kaniyang binook sa isang hotel sa Santa Cruz, Maynila.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Bahay ng fire volunteer isa sa 40 na natupok sa MaynilaNasa 50 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa Malate, Manila dahil sa sunog. Isa sa mga natupok ay ang bahay ng isa sa mga fire volunteers.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »