Sa isang Twitter post gabi ng Sabado, nagbahagi ang 36 anyos na singer at TV host ng mga retrato ng nabili niyang Filipino food at beer mula sa isang restaurant sa Seoul.
“Sisig & kang kong & garlic rice & r*d h**se! Ang dinner ko ngayon~ ang sarap,” sabi ni Park sa caption ng post.Marami namang Filipino netizen ang natuwa sa post ni Park, dating miyembro ng sikat na girl group na 2NE1. Ang iba’y niyaya pa si Park na sa inuman sa kanilang mga reply sa tweet.Noong 2009, nag-debut si Park sa South Korea bilang miyembro ng 2NE1, isa sa mga pinakamatagumpay na K-pop girl group. Nag-disband ang grupo noong 2016.