Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang "No Movement Sunday" dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng polisiya, na epektibo simula Mayo 30, sarado tuwing Linggo ang mga tindahan maliban sa mga establisimyentong nag-aalok ng essential na produkto at serbisyo.Nagpasya umano ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang "No Movement Sunday" matapos umabot sa 25 ang bilang ng active COVID-19 cases sa bayan.
Ni-lockdown din ang isang bahagi ng Barangay Semba doon, kung saan may 9 na kumpirmadong COVID-19 cases at isang namatay dahil sa sakit.Sa tala ng Bangsamoro health ministry, umabot na sa 1,257 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maguindanao. Sa Cotabato City naman, na katabi lang ng Datu Odin Sinsuat, umabot na sa 1,627 ang bilang ng mga kaso.RELATED VIDEO:
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.