Ilang barangay sa San Jose sa Occ. Mindoro, naka-lockdown pa rin

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 52 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 24%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Ilang barangay sa San Jose sa Occ. Mindoro, naka-lockdown pa rin COVID19

Watch more in iWantTFC Inilagay sa mas mahigpit na community quarantine ang ilang barangay sa bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Umabot na sa 401 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan simula noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan ay may 57 active infections pa. “Nagsimula siya noong April, hanggang ngayon tuloy-tuloy ang pagtaas ng cases namin. Isang nakikita naming reason 'yung pagsabay ng pagdami ng cases sa Metro Manila, ito kasing San Jose ay center ng commerce sa buong province. Saka pinakamarami rin population dito sa province natin, almost 150,000. Since sentro ng commerce mas marami ang naglalabas-pasok dito sa aming municipality,” ayon kay Dr. Lordivino Mesina, medical officer IV ng San Jose Local Government.

Dahil dito, inilagay sa enhanced community quarantine ang Barangay Pag-asa. Nauna na ring inilagay sa ECQ ang dalawang kalsada sa Barangay Labangan na magtatapos sa Mayo 28. Nasa MECQ naman ang mga barangay ng Caminawit, Labang Poblacion, at Barangay 5, 6, 7, at 8, at nasa GCQ naman ang mga barangay ng Magbay, Mabini, Bagong Sikat, at Poblacion 1, 2, 3 at 4.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.