Ang sabi nila, oras na ng paghihilom pagkatapos ng eleksyon. Kaya, hihingi ako ng paumanhin. Paumanhin sa mga supporter ng ibang kandidato na aking binarda sa loob ng nakalipas na mga buwan. Paumanhin po sa lahat ng mga nakaaway ko dahil sa usaping pulitika. Paumanhin dahil nasaktan ko po ang inyong mga damdamin. Siguro ay masyado akong apektado sa pulitika. Sabi nga nila, tuloy naman ang pag-ikot ng mundo – hangga’t may buhay, may pag-asa.
Ngunit, higit pa sa mga damdamin, humihingi ako ng tawad sa alaala ng aking mga kamag-anak. Humihingi ako ng tawad kay Uncle; hindi ko na siya nakilala dahil dinakip at sinalvage siya. Humihingi ako ng tawad kay Ninong, na lumikas sa bansa dahil sa mga banta laban sa kanyang buhay – tumindig kasi siya laban sa diktadurya. Humihingi ako ng tawad kay Lolo, na hindi ko na rin nakilala dahil namatay siya sa sakit ng puso at stress ilang buwan lang pagkatapos patayin si Uncle.
FATHERS AND SONS. Top: Ferdinand Marcos Jr. and Sr.; Bottom left: Uncle Marsman; bottom right: Lolo Marcelo. Courtesy of author Humihingi ako ng tawad sa libo-libong pamilya na nakaranas ng kalupitan sa ilalim ng diktadurya, at sa milyon-milyong nagbabayad pa ng nakaw na yaman ng mga Marcos hanggang 2025. Humihingi ako ng tawad dahil nakabalik ang mga Marcos sa Malacañang, kahit wala pang tunay na hustisya. Huli, humihingi ako ng tawad, kasi alam kong hindi na hihingi ng tawad si Ferdinand Marcos Jr.
Ang sabi nila, ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. Patuloy kong alalahanin ang nakaraan, pero hindi ko rin naman alam ang mangyayari sa susunod na anim na taon. Pero, tulad ng marami, mataas ang mga pangarap ko para sa bayan. Sana nga’y hindi magkatotoo ang ating mga karaniwang kinatatakutan. Sana matupad ang mga pangako
Kelan po magkakaron ng kapayapaan at pgkakaisa ang ating bansa Bakit kelangang mandaya?
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: carguideph - 🏆 16. / 63 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: cebudailynews - 🏆 8. / 71 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »