Cakes, cupcakes ipinamigay sa community pantry sa Maynila

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 31 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 16%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

MAYNILA - Nag-umapaw ang tamis sa Barangay 583 sa Maynila na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan sa lugar dahil isang community cake pantry ang kanilang itinayo rin.

Bukod sa karaniwang pagkain na makukuha sa community pantry, may mga cake at cupcake din na ipinamahagi sa mga residente.

Mismong ang SK kagawad na si Mae Pascua ang nag bake sa mahigit 100 cupcakes na may iba’t ibang flavor bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-24th kaarawan.Kung sa ibang community pantry may temang “kumuha ayon sa pangangailangan”, dito naman ay may pabirong nakalagay na “kumuha ayon sa blood sugar”. Para sa organizers, paraan aniya nila ito para makapagbigay ng kasiyahan sa simpleng paraan lalo’t nasa pandemya pa rin.

Ilang linggo na rin ang community pantry sa barangay na naging takbuhan ng mga residenteng nangangailangan. May mga gulay, itlog, prutas mula na rin sa bayanihan ng mga residente.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Community pantry ng mga gamot binuksan sa Sampaloc, MaynilaMAYNILA - Isang pharmacist ang naglunsad ng community pantry para mamigay ng mga libreng gamot at bitamina habang nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine pa ang kalakhang Maynila.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

TINGNAN: Pa-lechon sa community pantry sa Capiz, pinilahanPinilahan ng mga tao ang community pantry na itinayo ng Amigo Group sa Dumarao, Capiz dahil sa handang lechong baboy ng mga donor.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

'Literacy Pantry' na itinayo sa Ilocos Norte, alok ang libreng libro, school suppliesKakaiba ang alok ng isang community pantry na itinayo sa Ilocos Norte nitong Linggo.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Community pantries sa 'red zones' sa Legazpi, inihinto munaIpinatigil muna ni Mayor Noel Rosal ang operasyon ng mga community pantry sa 9 na barangay na nasa red zone sa Legazpi City, Albay.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »