Taxi driver, nagnakaw ng damit sa nakaparadang van sa Maynila

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 42 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 20%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA—Arestado ang isang taxi driver matapos magnakaw ng mga branded na damit sa loob ng nakaparadang van sa Sampaloc, Maynila.

Nahuli ng mga pulis ang 60 anyos na suspek sa garahe ng taxi sa Caloocan nitong Martes. Narekober sa kaniya ang nasa P80,000 halaga ng mga branded na damit.

Sa kuha ng closed-circuit television camera, nakaparada ang van sa Escoda St., Sampaloc, Maynila alas-8 Lunes ng umaga. Pagmamay-ari ang van ng isang negosyante na nagsu-supply ng mga branded na damit sa isang shopping mall. Arestado ang taxi driver matapos magtangay ng mga ibebentang branded na damit sa loob ng nakaparadang van sa Sampaloc, Maynila. pic.twitter.com/n1f7FTzQOsBumaba ang taxi driver at lumapit sa van. Tinangay nito ang mga damit at inilagay sa trunk ng kaniyang sasakyan.

Naaktuhan ng biktima ang taxi driver kaya ito tumakas. Naplakahan ng biktima ang taxi na dahilan sa pagkaaresto ng suspek.Kakasuhan ng theft ang taxi driver. Paalala rin ng pulisya, siguruhing naka-lock ang mga sasakyan lalo na kung may laman itong maaaring pagkainteresan ng mga kawatan.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

WATCH: Ang multo sa studio ng 'Sarap, 'Di Ba?'Sa November 2 episode ng 'Sarap, 'Di Ba?' ibinahagi ng paranormal expert na si Ed Caluag na may kaluluwang umiikot sa studio.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

Solenn Heussaff, Andre Paras, and Jon Lucas try different dishes with tinapaSa November 2 episode ng 'Taste Buddies,' nagtungo si Solenn Heussaff at guest stars na sina Andre Paras at Jon Lucas sa Señoritas Mexinoy Kitchen sa Lucena.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

Babae huli sa tangkang pagdukot ng bata sa ParañaqueBetter if you show us the face of the kidnapper! That lady is just pretending na may kulang sya sa pag iisip to get away with her attempted crime! 😡
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Misamis Oriental
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Guwardiya patay sa pamamaril sa Pampanga; 2 suspek napatay ng mga pulis
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Kulturang Igorot pinalalaganap ng isang artist sa pamamagitan ng libro
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »