[Stakeout] Commonwealth Avenue shootout – ‘buy-bust’ o ‘sell-bust?'

  • 📰 rapplerdotcom
  • ⏱ Reading Time:
  • 59 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 27%
  • Publisher: 86%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

'Ano ba talaga ang sell-bust? ....Bakit kadalasan, kapag nagawa na at matagumpay ang operasyon – ay bigla naman itong tinatawag na buy-bust?' Read this ThoughtLeaders piece by Dave Veridiano:

Karaniwan nang lumulutang sa mga malalaking anti-illegal drug operations ang salitang “buy-bust,” na siyang ginamit na operasyon upang makahuli ng mga big-time pusher at mabuwag ang isang sindikato ng ilegal na droga. Pero ni minsan ay hindi lumutang o nabanggit man lang sa mga after-operation report ng mga operatiba ang katagang SELL-BUST.

Sa naganap na shootout nitong Martes sa harapan ng Ever Gotesco Mall sa may Commonwealth Avenue, Quezon City, dalawang grupo ng anti-illegal drugs operatives mula sa Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District ang umaangkin na lehitimong “buy-bust” operations ang kani-kanilang isinagawa. Nag-ingay ang magkabilang kampo dahil sinamangpalad na tatlong operatiba ng mga ito ang nagbuwis ng buhay, at ikinasugat ng apat na iba pa.

Para sa akin, unang-una – ilegal ito kaya ‘di dapat gawin ng mga operatiba. Dito kasi sa halip na hinuhuli ng mga operatiba ang nagbebenta ng droga, sila pa ang kumukumbinsi sa mga ito para bilhin ang iniaalok nilang kontrabando. Eh di para na rin sila ang sindikato rito! Kapag matagumpay na nairaos ang operation SELL-BUST – balik sa kamay ng mga operatiba ang “hiniram” nilang droga sa bodega at may karagdagang bonus pa – ito ‘yung malaking halagang ibinayad ng mga bumibili ng droga sa kanila. Palalabasin lamang nila na “budul-budol” ang ginamit nila sa “buy-bust”, at ‘yung totoong pera na ibinayad naman ng mga arestadong buyer – na biglang naging pusher – ay pagpi-piyestahan na ng mga operatiba.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 4. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.