Sharon Cuneta, nag-‘Sharon’ sa birthday party ng kaanak; netizens, pati ilang celeb, naaliw

  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 33 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 16%
  • Publisher: 68%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Kinagiliwan ng netizens ang ginawang pag-“Sharon” o pagbabalot ng pagkain ni Sharon Cuneta na siya mismo ang gumawa sa isang handaan ng kanilang kaanak.

Sa GTV News Balitanghali nitong Martes, mapapanood ang Instagram video ni Ciara Sotto, pinsan ni Sharon, kung saan spotted si Megastar na nagbabalot ng handa sa birthday party.

Tamang lagay lang si Ate Shawie sa container ng Japanese food at chicharong bulaklak, habang kumakanta ng “Bituing Walang Ningning,” na may linya sa awiting "balutin mo ako."Depensa pa ni Sharon, nagpaalam naman siya kaya hindi siya nahihiya.Sa caption ng post, may nakalagay na: "P.S. Si Sharon, Shuma-Sharon ". View this post on Instagram A post shared by Ciara Sotto Naging biruan sa mga Pinoy ang “Sharon,” na nangangahulugang pagbabalot ng mga natirang pagkain sa handaan.

Hango ito sa kanta ni Megastar na “Bituing Walang Ningning” na may lyrics na “Balutin mo ako …” -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 11. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.