FINALLY, nakakain na ang K-pop star at aktres na si Sandara Park ng ilan sa mga paborito niyang Filipino food na matagal na niyang hindi natitikman.
Maligayang ibinalita ni Sandara sa kanyang Twitter page na nakabili siya ng sisig at garlic rice with matching Red Horse beer.“May nahanap akong masarap na Pinoy resto sa Seoul. Super happy ako,” dagdag pa ng Korean star sa caption ng litratong ipinost niya sa Twitter. May mga netizens pa nga na nagyaya sa kanya ng inuman dahil nga sa local beer na ipinost niya. Game raw silang makipaglasingan sa sikat na Korean star.Hindi raw maiwasan ng StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava ang kabahan tuwing makakaeksena niya ang mga iniidolong artista sa upcoming GMA series na “Legal Wives.”
Source: Entertainment Trends (entertainmenttrends.net)