Rendon Labador nagulat kay Cristy Fermin: Akala ko patay na ‘to

  • 📰 cebudailynews
  • ⏱ Reading Time:
  • 49 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 23%
  • Publisher: 71%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Nabigla ang motivational speaker na si Rendon Labador matapos siyang sitahin ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang madalas na pakikisawsaw sa isyu. CDNDigital

Sa kanyang show na “Cristy Ferminute” ay pinatutsadahan niya ang isang lalaki na panay raw ang pangingialam sa mga artista.

Kahit na hindi niya ito pangalanan ay alam naman ng nakararami na ang kanyang tinutukoy ay si Rendon. “Lahat na lang inaaway niya… Ikaw talaga mahilig kang makisawsaw. Mahilig kang makiangkas. Mahilig kang maggagawa ng kuwento kahit wala namang basehan,” saad ni Cristy.Sa pamamagitan ng Instagram story ay ibinahagi niya ang isang artcard kung saan makikita ang pahayag ng kolumnista laban sa kanya.Dagdag pa niya, “Napamura ako, sorry! Goosebumps ako [rito]. Akala ko talaga patay na to, tumayo balahibo ko sa kamay.

Matatandaang nag-ugat ang pahayag ni Cristy matapos mag-trending si Rendon mula sa kanyang pangangalampag sa MTRCB ukol sa diumano’y ginawang “kabastusan” nina Vice Ganda at Ion Perez sa Isip Bata segment ng “It’s Showtime”. Matapos nito ay pinansin naman niya ang halikan at lambingan na ginawa nina Tito Sotto at Helen Gamboa sa isang episode ng “E.A.T.” kung saan ipinagdiwang nila ang ika-44th anniversary ng “Eat Bulaga”.

Source: Entertainment Trends (entertainmenttrends.net)

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 8. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines