Rampanalo player na nais ipagamot ang kapatid na may kanser, wagi ng P118-K

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 48 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 22%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Panalo ng P118,000 ang isang contestant sa palarong Rampanalo sa 'It's Showtime' ngayong Biyernes na aniya ay makatutulong para mapagamot ang kapatid nitong may cervical cancer.

"Malaki po yung kailangan ko dahil yung kapatıd ko merong cervical cancer, kailangan ng pera... Nagme-maintenance, talagang malaking pera kailangan namin," sabi ni Nanay Vilma, na taga-Bataan, sa simula ng laro.

Bagaman agad nabawasan ng P20,000 ang base money na P50,000 matapos buksan ang kahong hawak ni Ion Perez, nakabawi naman si Nanay Vilma sa mga susunod na kahong hawak nina Teddy Corpuz, Jhong Hilario, at Jackie Gonzaga. Mula sa naipong P48,000, bahagya itong bumaba nang P3,000 matapos buksan ang kahong hawak ni Kim Chiu.Bumalik naman agad ang swerte nang buksan ang magkasunod na kahong hawak nina JM Yosures at Lyka Estrella. Umakyat sa P126,000 ang naipong pera ni Nanay Vilma.

Ang huling kahong napili niya ay may nakalagay na '-8,000', kaya P118,000 ang premyong kaniyang napanalunan."Maraming, maraming salamat, Showtime, sa binigay n'yong biyaya sa amin. Kailangang kailangan po talaga namin sa panahon ngayon dahil yung kapatid ko, hindi na namin madala sa ospital dahil wala na kaming pera talaga," sabi ni Nanay Vilma."May biyaya pala akong matatanggap, tayong lahat," ani Nanay Vilma.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.