Watch more on iWantTFC MAYNILA - Nagbabala ang Philippine National Police laban sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon na hindi sumusunod sa 50 porsiyentong kapasidad sa mga sasakyan sa ilalim ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.
“Ang bilin natin sa ating kapulisan, partikular itong Highway Patrol Group, na pwedeng magsagawa ng random checking, 'pag may nakitang ganyan 'wag patawarin, tiketan. Magsasampol tayo niyan, hindi tayo titigil sa pagsasampol. Hindi tayo maaawa kung sakaling tiketan 'yan,” pahayag ni PNP chief General Guillermo Eleazar.
Ayon kay Eleazar, bukas ang public transportation sa panahon ng ECQ pero ito ay batay pa rin sa guidelines ng Department of Transportation.'Yun ang minsang naba-violate 'yun. Admittedly, hindi naman natin pwedeng bantayan lahat ng mga lugar sa buong Kamaynilaan. Ang ating mga pulis ay limited sa pag-iikot nila kaya humihingi tayo ng tulong din sa mga force multiplier, partikular itong mga barangay tanod natin,” sabi ni Eleazar sa panayam sa TeleRadyo Sabado ng umaga.
Nasa ilalim ang Metro Manila sa pinakamahigpit na lockdown mula Agosto 6 hanggang Agosto 20. Pero tanging ang mga kasama sa kategorya ng authorized persons outside of residence o APOR lamang ang papayagang sumakay sa pampublikong transportasyon. Dagdag ni Eleazar na dapat ay manaig ang kooperasyon ng bawat isa at sumunod sa mga alituntunin para na rin hindi na kumalat pa ang COVID-19."Kasi wala talaga, tigas ng ulo. Hindi mo siya makuha sa pag-explain na bakit tayo nasa ECQ,” sabi niya.
Sana in all places,sampolan n'yo.Nakakatakot na kc mag commute mas lalo na ngayon,marami na talagang pasaway na tsuper kaya lalong tumataas yung covid delta variants cases.
Pag koko pimentel may awa kayo.pag kay sinas tablado ang batas. Diyan kayo magaling!
Bakit hindi sampolan yung mga pasaway na politiko? Hanggang ngayun di pa nasasampolan si pimentel putaena nyo pnp
Yong EDSA Carousel sa gabi punuan.
Masyadong bida bida na wala sa lugar kayong mga halimaw kayo. Matagal na kayong ganyan. 🙄
jeepneys, tricycles, ordinary busus becuz of ventilation possibly ay safer than AirCon PUVs, MRTS, taxis Uv express where all passengers breathe the same recirculated air...sadly we only consider 1 seat apart distance as safe na.
Kailan ba kayo naawa pnppio ?
Yung maliliit lang naman ang kaya nilang sampolan.
Hahaha wala naman talaga kayong awa at wala ring hustisya. Charotism!
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »