Payment reference number, kailangan na ng SSS members na magbabayad-utang

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 53 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 24%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Obligado nang kumuha ng payment reference number ang mga miyembro ng Social Security System na magbabayad ng utang simula Mayo 1, sabi ng isang opisyal.

Obligado nang kumuha ng payment reference number ang mga miyembro ng Social Security System na magbabayad ng utang simula Mayo 1, sabi ng isang opisyal.

Kung self-employed o voluntary member, ipapadala sa email o text ang PRN pero kung formally employed, sa employer ito ipapadala. Maaaring mag-enroll ang members para sa PRN sa My.SSS, sabi ni Atty. Sau Mapalo, department manager sa SSS.Ayon kay Defend Jobs Spokesperson Christian Lloyd Magsoy, hindi gumagana nang maayos sa RPN system ng SSS, na nagreresulta sa pagkaantala ng bayad-utang at pagkakaroon ng penalty ng mga miyembro.Samantala, wala munang ia-accommodate na walk-in sa mga tanggapan ng SSS sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Kung may aplikasyon, iiwan na lang sa mga drop boxes, na kukunin ng mga empleyado ng SSS sa loob para iproseso. Kahit skeleton staffing na sila, dahil marami na rin ang nagkaka-COVID-19 sa SSS, isa-isa naman umanong pinoproseso ang mga nasa drop box, sabi ni Mapalo.Aminado ang SSS na paminsan-minsan ay bumabagsak ang kanilang website dahil sa dagsa ng nage-enroll pero agad naman daw itong naaayos.Watch more in iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.