"Kung may tatlong pamilya sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangang ipa-scan, at tatlong Pamaskong Handog packs ang matatanggap," ayon sa Facebook post nito.
“Ang simpleng handog na ito ay taos-pusong pasasalamat sa inyong pakikiisa sa mga program ng lokal na pamahalaan at sa ating patuloy na laban kontra COVID-19," ani Mayor Vico Sotto. Araw-araw naglalabas ng schedule ng pamimigay, at nakahiwalay ang distribusyon sa mga condominium kung saan nakikipag-ugnayan ang pamaskong Handog Team, dagdag nito.Maaaring pumunta sa barangay hall upang magparehistro at mag-print ng PasigPass QR code o bisitahin ang https://pasigpass.pasigcity.gov.ph/