[OPINYON] Retorika ng mura

  • 📰 rapplerdotcom
  • ⏱ Reading Time:
  • 68 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 31%
  • Publisher: 86%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

'Tandaan, liwanag pa rin ang nasa ubod ng salitang paliwanag. Hindi kalabuan. Hindi lalo kadiliman.' Opinyon ni Joselito De Los Reyes.

Hindi pa ba kayo nasasanay sa weekly haranang madalas napapalamutian ng mura at paninisi? Ang hirap, ano? Kasi dapat asahan mong may malinaw nang plano bukod sa kinasanayang curfew at lockdown laban sa papalala nang papalalang salot, pero mababaling na naman ang kaniyang atensyon, unscripted as usual kahit pa pre-recorded, sa kung sinong pulitikong tinaniman niya ng pagkamuhi bago pa siya maging pinuno ng bansa hanggang ngayon.

Baka naman kasi hindi na ako ang tinutukoy sa “nation” sa mga katagang “message to the nation,” o hindi na ako bahagi ng “public” sa “public address” o “bayan” sa “ulat sa bayan?" Baka naman kasi 'yung report slash gibberish rant kada linggo ay para sa mayoryang ang paniniwala pa rin na kapag replete with mura, pang-aaway, kaguluhan, giyera-giyera, at senseless interjection ang pananalita ay sincere at mas may aksyon? Sa isyu kasi ng retorika ng politika sa atin, ito rin ang nagluklok...

Gayunman, kahit nasa minoryang hanay ako na naniniwalang dapat may linaw ang pahayag ng mga pinuno ng bansa lalo sa panahon ng krisis, karapatan ko pa ring umasa sa paliwanag hinggil sa saysay ng buwis kong binayaran, kung saan ito lulustayin, sino ang makikinabang, na hinihintay kong sasabihin sa bawat ulat sa bayan. Hindi dapat ako masiyahan sa ingay lamang. Kailangan ko ay mapanghahawakang paliwanag. Tandaan, liwanag pa rin ang nasa ubod ng salitang “paliwanag.” Hindi kalabuan.

Ito ang naglalayo sa atin sa iba. “E di ikaw na ang matalino,” isasagot sa akin kapag magsasalita ako na astang nangangaral. Propesor na propesor ang datingan. Namumulaklak sa akademikong teorya. Idagdag pa na may mga mapagsamantalang pulitikong talagang pag-aalabin ang damdamin ng karamihan para kamuhian ang kunwari'y elitistang nakapag-aral.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 4. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Antas ng unemployment sa PH inaasahang tataas dahil sa balik-ECQ, MECQInaasahan ang pagtaas ng antas ng unemployment bunsod ng mga ipinatupad na lockdown kamakailan. ALISIN ANG PROVINCIAL RATE SA PHILIPPINES, ALISIN ANG ENDO AT MAGKAROON NG 10 FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA WORKERS
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Sapatos, tsinelas, ayuda, boundary pinamamahagi sa community pantriesNagsulputan ang iba-ibang anyo ng community pantry bilang pagpapatuloy ng pagbabayanihan ng mga Pilipino.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Unang batch ng Sputnik V vaccines, dumating na sa PHDumating na ang unang batch ng bakunang Sputnik V na iniangkat ng pamahalaan, hapon ng Sabado. Ideal vaccine for Seniors & those w/ comorbidities na bawal uminom ng alak.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Bilang ng mga nawalan ng trabaho sa unang 3 buwan ng 2021: higit 118,000Sa pagsusuri sa datos ng DOLE, higit 118,000 ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pagbabawas ng mga empleyado o permanenteng pagsasara ng negosyo mula Enero hanggang Marso ng 2021. satisfied naman daw sila sabi ng dds survey ang baba nyan halatang binayaran ang survey Kung kagaya lang sana nv Vietnam, KOREA at TAIWAN ang pamamalakad sa PINAS...... sana di nangyari ito...... MAGAGALIT KUNO ANG CHINA.....palpakangpresidente
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Tulong hatid sa mga residente ng Caloocan subdivision na apektado ng lockdownHinatiran ng ayuda ng ABS-CBN ang mga residente at manggagawa ng isang subdivison sa Caloocan City na naapektuhan ng pagpapatupad ng lockdown.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »