May kinagalitan ako noong isang araw. Dati kong estudyante sa isang state university. Nakita kong nakikipagtalo sa online comments section ng isang pahayagan. Mahaba ang thread at, obviously, walang intensiyon na malinawan ang katalo, na minumura na at iniinsulto ang dati kong estudyanteng hindi maiwasang hindi mapikon. Gumaganti sa diskursong marumi pa sa burak ng kanal sa isang baradong estero sa Kalakhang Maynila ngayong tag-ulan.
May ipinagtapat naman sa akin ang isang kaibigang propesor. Dalawa ang kaniyang account sa Twitter. Ang isa, nakapangalan daw sa kaniya. Ang isa, hindi; pambalatengga sa mga kumokontra sa kaniyang hinahangaang artista. Hindi niya ginagamit ang totoong pangalan sa pagko-comment dahil nakalagay doon ang pangalan ng institusyon pati na ang kaniyang pamilya at mga tweet na maingat na binalangkas bago ini-upload. Pero iba raw siya kapag gamit ang virtual alter-ego.
May isang gusto pa ngang magpahiram o ibigay sa akin ang isa sa kaniyang maraming account. Kaysa raw gamitin ko ang sarili kong pangalan sa tuwing magko-comment ako – na karaniwan ay sarcasm na hindi mage-gets ng iba kaya hahaba ang thread, uulanin ako ng mura at galit at insulto – sa mga pahayagan. Tinanggihan ko ang alok. Maingat naman ako sa mga comment-comment kahit pa sarcastic. Bihira akong mag-engage, lalo’t wala agad sa hulog ang magko-comment sa comment ko.
Bueno, ano ang nangyari nang lumabas ang artikulo sa social media platform ng network? Nag-viral, nag-trending lalo. Sa loob ng isang araw, noong hindi pa uso ang industrialized troll-comment processing zone, noong bibihira pa ang naka-mobile data subscription at hindi pa masyadong smart ang smartphones, nagkaroon ng mahigit 30,000 shares at 2,000 comments ang artikulo. Lahat, maliban sa 8 , ay nagkomento batay lamang sa pamagat ng artkulo ko.
Binigyang katuturan ni Tarleton Gillespie ng Communication Department ng Cornell University sa kaniyang sanaysay na"The Politics of Platform" na nalathala sa ang structural platform sa internet bilang “a raised level surface designed to facilitate some activity.... It implies a progressive and egalitarian arrangement, an implicit promise to support those who stand upon it .” Ang ganda. Maayos. Malaya.
Kaya nga, inisip ko, dahil karamihan ay mga galit, nang-iinsulto, nagrereklamo, kung papasukan ko ba ng pang-uuyam, may makakahalata pa kaya? Marami naman. Pero marami rin ang walang panahong magnilay kung sarcasm o hindi ang komentong kanilang sinusundan.May 3 paraang pinaiiral ang mga comments section ng social media gaya ng Facebook. Pupuwedeng ang mababasang nasa pinakataas ay ang latest na comment, puwede rin ang pinakapopular o iyong Most Relevant.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: CNN Philippines - 🏆 13. / 63 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »