Watch more on iWantTFC MAYNILA— Higit 20 domestic flights ng Air Asia ang apektado ngayong Biyernes dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyong Odette.
“More or less, nasa 24 flights for today ang apektado. Mag-aanunsiyo tayo within the day para sa changes sa flight schedule para bukas para ma-accommodate ang mga pasahero na papalipad sa mga probinsiya,” pahayag ni Steve Dailisan, ang tagapagsalita ng Air Asia.“Ito 'yung mga flights natin na patungo ng Caticlan at pabalik sa atin sa Maynila.
Made-delay naman hanggang sa Sabado ang lipad ng apat na flights na patungong Cebu Biyernes ng gabi dahil nakatanggap sila ng abiso na ie-extend ang closure ng Mactan International Airport. Nakikipag-ugnayan na aniya ang kanilang team sa lahat ng apektadong pasahero sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages, email o tawag para abisuhan sa pagbabago sa flight schedule.
“'Yung biyahe natin sinisiguro nating ligtas tayo. 'Wag po nating ipagwalang-bahala ang ating safety dahil buhay ang nakasalalay,” sabi niya.Hinikayat naman niya ang lahat ng pasahero na tumutok sa kanilang social media accounts para sa updates sa flight schedules.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »