Misis nagtago sa kisame ng motel matapos mahuli kasama ang kalaguyo

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 60 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 27%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Nagtago sa kisame ng isang motel ang isang babae matapos siyang mahuli ng kaniyang asawang seaman na pumasok siya kasama ang kaniyang kalaguyo sa isang motel sa Mandaue City, Cebu nitong Linggo.

Ayon sa Mandaue City Police, sinugod ng asawang seaman ang motel kung saan nakita niyang pumapasok ang taxi na sinasakyan ng asawa at ng kabit umano nito.

Ayon sa salaysay ng lalaki, magkasama pa sila ng kaniyang asawa sa taxi nang papunta umano sa trabaho ang asawa. Pero unang bumaba ang babae. Nang makaalis na ang taxi na sinakyan ng asawa ay kaagad naman siyang sumakay sa ibang taxi at sinundan ito. Sa halip na sa trabaho, nakitang dumiretso ang taxi ng babae papuntang pier at sinundo ang isang lalaki na pinasakay sa taxi at pumunta na sa motel.

Ayon sa international boxing judge na si Edward Ligas, siya ang tumawag ng pulis dahil humingi ng tulong sa kaniya ang seaman na kaniyang kaibigan, habang hinihintay niyang makalabas sa motel ang dalawa.Hindi nila nakita ang misis sa loob. Ngunit maya-maya pay may biglang kumalabog at nahulog ang isang parte ng kisame at ang sandals ng babae at gumewang din ang mga paa nito.

Pinapababa ng mga pulis ang babae ngunit nagmamatigas ito, kaya inakyat siya ng isang pulis na babae gamit ang hagdanan.Nagsususpetsa na rin siyang hindi tumigil ang kaniyang asawa sa kanyang pangangaliwa dahil nag-iba na ang kanyang asal sa mga panahon na uuwi siya galing biyahe at ayaw na ring makisiping sa kanya ang babae.Desidido na ang lalaki na ihabla na ang babae at ang kalaguyo nito.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.