Mga nagpabakuna kontra COVID-19 sa Baseco, madaling-araw pumila

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 61 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 28%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Madaling-araw pa lang ay mahaba na ang pila sa Corazon Aquino Elementary School at Benigno Aquino Elementary School sa Baseco Compound, sa Maynila.

Marami kasi sa mga inabutan ng cut-off noong mga nakaraang araw ang nagbabakasakali ulit nitong Biyernes. "Alas-2:30 a.m. andito na kami. Madilim pa, wlaang tao pero kinaya namin kasi kailangan lahat magpabakuna. Sacrifice talaga. Walang VIP ganun," ani Verastique. "March pa kami nagregister. Ngayon lang kami nagkaroon ng opportunity na makapila. Sabi nila first-come, first-served.

Mabilis naman naubos ang alokasyon na 1,000 doses sa Barangay 128, Smokey Mountain - dahilan para magkaroon ng kaunting komosyo sa pila. "Kaninang umaga may pila po, sabi po nila 1st 500 bibigyan ng number. Yung next 501 to 1,000 kami na yung next. Pero di kami binigyan. Nagulat na lang po kami yung ibang tao di namin alam saan galing. Ang number po nila, 1,000, 800. Nagtataka kami saan galing yung ticket nila?" ani Teodoro.

Pero paliwanag ng barangay, walang singitan sa pila at sadyang marami lang talaga ang gustong magpabakuna kumpara sa dami ng doses. "Yung number po gabi pa lang ginagawa na namin. Alas tres kumikilos na kami dito, eksaktong 5 mins before 6 namigay na kami ng number. Ngayon kapag di kayo inabutan, try na lang sa ibang araw. Ang tanong, nasaan ba sila nung namimigay ang barangay 128 ng number? Mga bagong dating lang po yung iba," ayon sa kagawad na si Josephine Bartolata.

Tuloy-tuloy rin ang pagbabakuna ng unang dose para sa mga senior citizen at mga medical frontliner na ginagawa sa apat na mall sa lungsod. Ayon sa Manila Health Department, aabot na sa 433,648 ang nabakunahan mula Hunyo 17. Sa bilang, 132,948 ang fully vaccinated na.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Antas ng COVID-19 cases sa NCR bumababa, kaso sa mga rehiyon tumataasMAYNILA - Bumababa na ang bilang ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kamaynilaan. Bakit kaya tinatago ang data tungkol sa infection rate among cult members of PastorACQ?
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

IN PHOTOS: Mga makakatrabaho ni Pokwang sa Kapuso NetworkWelcome Pokwang
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

Celebrity dads at kanilang mga anak, makikisaya sa Celebrity BluffIsang masayang Father's Day special ang hatid ng CelebrityBluff ngayong Sabado!
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

900 pamilya sa Maynila dinalhan ng bigas, mga de-lataDinalhan ng bigas at mga de-lata ang mga pamilya sa isang barangay sa Maynila na hirap sa kani-kanilang kabuhayan dahil sa pandemya.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Mas maiksing quarantine ihihirit para sa mga umuuwing OFWMAYNILA - Ipapakiusap ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa IATF na bawasan ang araw ng quarantine ng mga umuuwing OFW, lalo na ang mga nabakunahan na laban sa COVID-19. Tas sasabihing “puno na ang mga quarantine facilities. Wlang bakante.” At lwede ba, alisin na ang UAE sa mga bansang ban sa Pililinas.kung tutuusin kinti nalang ang walang bakuna dito sa UAE. Maawa naman kayinsa mga OFE na nasa UAE lift uae ban!
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Herbert nagpaalala sa mga artistang sasabak sa Eleksyon 2022: Hindi sapat ang kasikatan, dapat…WALA pang final answer ang actor-politician na si Herbert Bautista tungkol sa pagtakbo niya sa 2022 presidential at national elections.
Source: cebudailynews - 🏆 8. / 71 Read more »