Mga magsasakang apektado ng mga nagdaang bagyo, tutulungang makapagtanim ulit

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 44 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 21%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

MAYNILA - Handa ang Department of Agriculture na tulungan ang mga magsasaka na malubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Sa budget interpellation ng DA sa Senado nitong Biyernes, tinanong ng mga senador ang sponsor ng budget bill ng DA na si Sen. Cynthia Villar kung paano matutulungan ng ahensya ang mga magsasaka na tinamaan ng mga nagdaang bagyo sa Bicol at Cagayan Valley.

Nabanggit din ng senadora na may mga programa ang DA para sa mga magsasaka ng palay at mais. Ang Cagayan at Isabela aniya ay malalaking probinsya ng palay at mais kaya siguradong makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka. Ayon kay Dar, nagsasagawa na ang mga regional offices nila ng field validation sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para matukoy ang mga taniman na lubhang naapektuhan ng mga bagyo at malaman kung anong lugar na ang pwede nang taniman at ano yung hindi pa.

Dagdag ni Dar, lahat ng mga apektadong magsasaka na nakapagrehistro sa Philippine Crop Insurance System ay mabibigyan ng P10,000 hanggang P15,000. Maaari ring mag-loan ng P25,000 na zero interest at payable in 10 years. Bukod pa iyan sa mga ibibigay nilang mga fertilizers, fingerlings at iba pang agricultural inputs.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.