Mga kaso ng dengue dumoble sa Taguig: DOH

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 36 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 18%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Dumoble ang mga naitalang kaso ng dengue sa Taguig sa unang 8 buwan ng taon, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health .

Mula Enero hanggang Agosto 3, naitala ang 490 kaso ng dengue sa Taguig, mataas ng 102 porsiyento mula sa 243 kaso noong nakaraang taon, ayon sa DOH.Nagkaroon din ng pagtaas sa mga kaso ng dengue sa mga lungsod ng Las Piñas, Makati, Mandaluyong, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, at San Juan, sabi ng DOH.Quezon City naman ang nakapagtala ng pinakamaraming pagkamatay. Sa kabila nito, bumaba naman ang mga kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon.

Nakapagtala ang Quezon City ng 3,502 kaso mula Enero hanggang Agosto 10, mas mababa ng 15 porsiyento sa 4,520 kaso noong nakaraang taon, base sa datos ng Quezon City Health Office. Nakatakdang lagdaan sa Martes ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang isang memorandum order na naghihikayat sa mga paaralan na pagsuotin ang mga estudyante ng anti-mosquito patch pangontra sa mga lamok na may dala ng sakit.

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sapat ang suplay ng dugo at handa ang mga ospital sa posibleng pagdami ng mga pasyente ng dengue. Nakatakdang makipagpulong ang DOH sa mga alkalde ng Metro Manila para ilatag ang mga hakbang upang maibsan ang paglobo ng mga kaso ng dengue.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.

:

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

DOH: Dengue cases double in Taguig, on the rise in 9 other Metro Manila areas
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

P340,000 droga nakuha sa high-value target sa Taguig
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Mga residente ng Davao City, na-stranded dulot ng baha, malakas na ulanDi ba parang singapore dyan? Parang Singapore. Bahang Singapore. 🤔🤔🤔🤔validation na ang Davao ay....
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Mga protesta sa Hong Kong di pa rin natitinag
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Mga nagparehistro para sa Barangay at SK polls, higit 200-K na
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Mga pamilyang nasunugan at apektado ng malalaking alon sa Davao, siksikan sa evacuation center
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »