Mabigat na daloy ng trapiko, 'di dapat isisi sa mga truck: grupo

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 32 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 16%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

MAYNILA — Hindi dapat isisi sa mga truck ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsada, sabi ngayong Linggo ng isang grupo ng mga trucker.

Ayon kay Rina Papa, vice president ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organization, 3 porsiyento lang ng mga bumibiyahe sa mga kalsada ang mga truck."Nire-refute ng studies that trucks are causing traffic. Trucks barely comprise 3 percent of vehicles on the road... ang talagang cause ng traffic ay volume of vehicles," ani Papa.

Sa paggiit na hindi sila perwisyo sa daan, nanawagan ang grupo sa pamahalaan na tulungan silang baguhin ang pananaw ng publiko sa mga trucker."Dapat i-correct ng gobyerno paano tinitignan ng publiko ang truckers," aniya.Ayon kasi sa Metropolitan Manila Development Authority, isa sa mga nagpapabigat sa daloy ng trapiko ang mga truck, lalo kapag rush hour.

Sinuspende ang truck ban mula nang isailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine noong Marso para tuloy-tuloy ang paghatid ng mga pangunahing pangangailangan.Watch more in iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines