Ilang araw na ring trending ang naturang programa buhat nang biglaang magbitiw sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang mga legit dabarkads hosts sa puder ng TAPE Inc.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Luis ang larawan ng TVJ at sinabing may kasama pa raw itong isa na nagsimula sa “Eat Bulaga”.“Trivia- 4 sila nagsimula ng Eat Bulaga, tapos di niyo nalang nakikita isa kaya TVJ nalang natira,” pagbabahagi ni Luis. Pagpapatuloy pa niya, “Cena [sina], Tito, Vic , at Joey…. Nasa kanta na nga di niyo pa alam… hellleerrrrr.”“Ang aga bro,” komento ni Drew Arellano.“Luis…. Mataas respeto ko sayo bilang artista. Pero ang korni mo dito hahahah,” saad ng isang netizen.
Komento naman ng isa, “Ang alam ko nga talaga 4 sila. Mas pinili lang mag wresting nung isa kaysa mag host.”At nitong gabi lang nga ay may pahabol pa ang asawa ni Jessy at damay pa ang isa sa bestfriend niyang si Anne Curtis.Aniya, bago raw maging parte ng “It’s Showtime” ang asawa ni Erwan ay nasa “Eat Bulaga” ito.
“Naikwento ng aming team na bago pala sya magshowtime ay kasama muna si Anne sa Eat Bulaga. nasa kanta na nga di niyo pa alam!! Haaaaaay naku!” hirit ni Luis.“Medyo napaisip ako don ha. CENA TITO VIC ANNE JOEY PALAA,” chika naman ng isa nang ma-gets ang joke ni Luis.
Source: Entertainment Trends (entertainmenttrends.net)
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »
Source: CNN Philippines - 🏆 13. / 63 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: inquirerdotnet - 🏆 3. / 86 Read more »