'Last pay' ng mga manggagawa ilang buwan natengga sa dating agency

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 60 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 27%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Ilang manggagawa ang nagreklamo dahil sa pahirapang pagkuha ng kanilang huling bayad mula sa dating agency.

Kuwento ni Roberto Las Piñas, dati siyang quality control personnel sa pagawaan ng furniture at hawak siya ng employment agency na SmoothMoves, Inc.Pero hindi naibigay ang pangakong "last pay" nila na aabot sa P12,000 mula sa kinaltas na cash bond, 13th month pay, at vacation leaves."Nung ilipat kami ang sabi nila ang last payment namin makukuha namin end of May. Umabot na po ng June, July, August wala pa po kaming natatanggap," sabi ni Las Piñas.

Sa ipinadalang pahayag ng SmoothMoves, sinabi nilang hindi lahat ng claims nina Las Piñas ay dapat singilin sa kanila. "Las Piñas' co-workers already claimed and received their contingency liability fund from SmoothMoves. As regards, the rest of their monetary claims as of date the funds are still with their current employer, Cubix/Mobler," sabi ng inerereklamong agency.Sa ngayon, naibigay na rin daw kila Las Piñas ang kanilang inaasam-asam na last pay na inipit ng mga kompanya nang halos kalahating taon. Ayon sa kagawaran, iinspeksiyunin nila ang SmoothMoves at Cubix/Mobler.

"Kahit sino puwede niyang habulin sa money claims po niya. Hindi sila puwedeng magturuan," sabi ni Labor Assistant Secretary Benjo Benavidez."Across industries ang general rule is bawal ang cash bond, but in specific industries such as sales, depending on their positions may hinahawakan silang produkto at property po ng kompanya, these are instances where we allow na magkaroon ng deposit or cash bond," babala ni Benavidez.

Dagdag ng DOLE, walang dapat ikaltas sa sahod ng manggagawa maliban sa mga deductions na nakasaad sa batas.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

WATCH: Ano ang nangyari sa last taping day ng 'Dahil Sa Pag-Ibig?'Silipin ang mga nakakaaliw na pangyayari sa likod ng kamera noong last taping day ng 'Dahil Sa Pag-Ibig.'
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

WATCH: Ano ang nangyari sa last taping day ng 'Dahil Sa Pag-Ibig?'Silipin ang mga nakakaaliw na pangyayari sa likod ng kamera noong last taping day ng 'Dahil Sa Pag-Ibig.'
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

[OPINION] Dalawang tula para sa Buwan ng mga GuroIsang gurong naghahanap ng layunin; isang gurong nangangamba sa pag-iisa. Basahin ang mga tula ni Louie Andres at ni Gerald Buso.
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »

TINGNAN: Ang simpleng buhay ng mga artista sa likod ng kameraKilalanin ang mga paborito ninyong bituin at ang kanilang simpleng buhay sa likod ng camera.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

Mga batang naglaro ng posporo, sanhi ng sunog sa Davao CityLagot kayo kay digong kids, papatayin kayo ni tatay Digong... Mga nag lalaro ng bawal na apoy! May karma yan
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Lolo na sumobra ang bayad sa SSS higit 6 buwan naghintay ng refund
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »