“Hindi niya ako nirereplayan. Ilang beses ko na siyang niyaya sa vlog ko, hindi niya ako nirereplayan. Nananawagan ako kay Aljur baka puwede tayong mag-collab,” ang panawagan ni Kris sa boyfriend ni AJ Raval.
Ayon kay Kris, sa kabila nang pangdededma sa kanya ni Aljur, palagi pa rin niyang sinasabi na ito ang kanyang favorite leading man. Nakagawa rin sila ng ilang teleserye sa GMA tulad ng “Dapat Ka Bang Mahalin?”, “All My Life,” “The Last Prince,” “Coffee Prince,” at “Prinsesa ng Buhay Ko.”Sumusumpa naman ang aktres na hindi sila naging magdyowa ni Aljur, “Wala talaga. Loveteam lang talaga kami. Naparamdam nang konti pero hindi nag-work talaga as real-life couple. Talagang as a loveteam lang.
“Sa totoo lang, may times na parang nag-aaway kami. Pero kailangan as a love team, sweet-sweetan kami. Alam na alam ng mga love teams yan. Kapag off-cam na, parang hmmm…pinagdaanan ko lahat yan,” ang pahayag ni Kris.
Source: Entertainment Trends (entertainmenttrends.net)