Hindi biro ang pinagdaanan ni Kelvin Miranda sa kaniyang mental health matapos siyang ma-diagnose na may Bipolar I at post-traumatic stress disorder with attention deficit hyperactivity disorder noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News"24 Oras" nitong Martes, sinabi ni Kelvin na naging mahirap ito sa kaniyang tanggapin noong una.
"Hindi ko po agad siya kinonsulta, parang tina-try ko pa siyang i-manage sa sarili kong paraan, hanapin kung ano ang reason kung bakit nagkakaganoon," kuwento ni Kelvin. Matapos magpasuri sa mga eksperto, unti-unting natanggap ni Kelvin ang kaniyang kondisyon, at naging bukas dito para mas maintindihan ng mga tao na nakapaligid sa kaniya, lalo ang kaniyang pamilya.
"Tinanggap naman nila at sinusuportahan nila ako at mas ginagabayan nila ako ngayon sa mga ginagawa ko," ani Kelvin. Maliban sa therapy at moral support, pinakamalaking tulong kay Kelvin ang acceptance at self-love para makapag-cope at mapatnubayan niya ang kaniyang sitwasyon.Naghahanda na si Kelvin sa muli niyang pagsabak sa lock-in taping para sa upcoming Kapuso drama series na"Unica Hija" kung saan makakapareha niya si Kate Valdez.Feeling blessed si Kelvin na sunod-sunod ang kaniyang projects at endorsements.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »