Watch more in iWant or TFC.tv Sa sining idinaan ng ilang natulungan ni Gina Lopez ang pamamaalam sa yumaong enviornmentalist at pilantropo. Sa General Santos City, nagbigay-pugay ang digital artist na si Marthin Anthony Millado, na may dugong B'laan. "[I am] so inspired with her passion and her commitment to preserving the environment," ani Millado.
May iba ring nagsulat ng maiikling mensahe sa isang dedication board na nakalaan sa mga nais magpaalam kay Lopez. Nag-alay ng mga bulaklak na gawa sa beads si Premrose Joven, na apat sa anim na anak ang may brittle bone disease. Gawa ng kaniyang mga anak ang mga palamuti. "Inspirasyon po siya sa katulad naming walang-wala. Nagpapasalamat po ako sa kaniya nang sobra," maluhang wika ni Joven. Maluha-luha namang nagpasalamat si "Nadine" sa pag-asikaso ni Lopez sa nangyaring panggagahasa sa 4 anyos na apo niya. Tatlong taon namang naging cook ni Lopez si Myrna Ulanday.
Suportado naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang panawagan ng mga environmental groups na ipangalan kay Lopez ang La Mesa Eco Park bilang pag-alaala. -- Ulat nina Jeff Canoy at Jay Dayupay, ABS-CBN News.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »