Bitbit ni Freedom Dela Cruz ang librong physics at notebook habang nagtitinda sa gilid ng Evacom Avenue sa Parañaque City.
"Hindi po kinakaya 'yong gastusin sa bahay. Kailangan doblehin ang pagtitinda," ani Dela Cruz sa panayam ng ABS-CBN News. Second-year college student si Dela Cruz, na kumukuha ng kursong BS Physics. Pangarap umano niyang magtuloy sa pagdo-doktor, bagay na suportado naman ng kaniyang mga magulang na naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon para sa mas magandang kinabukasan.In-upload ni Goracho sa social media ang larawan ni Dela Cruz, na umani ng papuri mula sa netizens.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.