Environmental group: Pilipinas at pag-iisip ng mga lider ng bansa, tila nasakop na ng China

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 60 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 27%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Environmental rescue org: Pilipinas at pag-iisip ng mga lider ng bansa, tila nasakop na ng China

Watch more in iWantTFC MAYNILA - Mas masahol pa sa pagsakop sa isang bansa ang pagkalat ng Chinese vessels sa West Philippine Sea. Ito ang giniit ng isang environmental organization sa harap ng kawalan ng aksiyon ng gobyerno tungkol dito.

“Worse than actual invasion sa bansa dahil ini-invade nila ang ating mga resources. Second, yung parang leadership ng ating government na-invade din nila. Itong isyu na ito matagal nang lumabalas, wala pong aksiyon ang gobyerno kaya meron naman tayong basehan, nanalo tayo sa Hague ruling na atin talaga yun," pahayag ni Villardo Abuene, presidente ng Homonhon Environmental Rescue Organization.

"Dapat may aksiyon ang ating gobyerno. But then, parang yung kanilang mentality, yung kanilang pag-iisip, na-invade na rin ng China." Sa TeleRadyo, sinabi ni Abuene na apektado na rin ang kabuhayan ng mga mangingisda sa West Philippine Sea dahil inuubos na ng China ang mga isdang dapat sana ay sa mga Pilipino.

Sa pagtaya nila, ang maliliit na mangingisda ay kayang kumuha ng 50 hanggang 100 kilo ng isda kada araw. Maliit aniya ito sa kakayahan ng Chinese vessels na may sophisticated fishing gear at equipment.“How much more sa isang araw ang mahuhuli nila, na yung mga isda na yun ay para sa mga Pilipino talaga dahil nasasakop yun ng exclusive economic zone. Sa Pilipinas ang karagatan na yan tapos kinukuha nila dapat mapupunta yan sa Pilipinong mangingisda.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.