[EDITORIAL] Huwag magpagamit sa mga scammer sa likod ng relihiyon

  • 📰 rapplerdotcom
  • ⏱ Reading Time:
  • 64 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 29%
  • Publisher: 86%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Pero ano ang common denominator sa mga kultong ito? Laging accomplice ang mga pulitiko o kasangkapan ang political system sa pag-ooperate ng labas sa batas.

Parang ang layo sa bituka ng problema ng mga kulto. Pero tulad ng kasabihan, ang sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan.

Sounds familiar? Ganito rin umano ang modus ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy – self-proclaimed din na anak ng Diyos – na nagsamantala sa mga minors at kababaihan. Hindi lang namalimos ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ sa Pilipinas at abroad, ang mga may itsurang miyembrong babae ay napipilitan o namamanipulang maging “spiritual wives” ni Quiboloy. Nasa “most wanted list” ng FBI ng Estados Unidos si Quiboloy dahil sa sex trafficking.

Nariyan ang mga tradisyon ng pagpapapako sa Krus tuwing Kuaresma , at ang pagpapaa at pakikipagsiksikan upang makapahid ng tuwalya sa imahe ng Nazareno, na sumasalungat sa lohika, pero never, never, nating tinawag na mala-kultong aktibidad. Ayon sa sociologist at professor na si Jayeel Cornelio, ang religious violence ay “physical, emotional, mental, and spiritual violence inflicted upon people in the context of a religious space and justified using a religious language.”

Sa kaso ng Socorro cult, miyembro nila ang dating mayor at maging mga pulis. Ang environment department ang mismong nagbigay sa kanila ng permit noong 2004 – nang ito’y tunay na lingkod-bayan pang NGO – para i-conserve at idevelop ang 353 hectares ng protected area sa Barangay Sering, Socorro.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 4. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.