'Drug pushers di makilala dahil sa face mask'

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 45 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 21%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Patuloy ang bentahan ng ilegal na droga sa Lanao del Norte dahil hindi agad natutukoy ng mga awtoridad ang mga tulak bunsod ng pagsusuot nila ng mga face mask, sabi ng isang opisyal mula sa lokal na P

hilippine Drug Enforcement Agency .

"Dahil sa sinusuot nating mask [at] face shield, mas naitatago nila ang kanilang identity. Nakadagdag ito sa kanilang lakas ng loob para i-transact at ibiyahe ang illegal na droga," ani PDEA-Lanao del Norte Assistant Provincial Officer Neil Pabilona. Kasunod ito ng buy-bust operation at raid sa drug den na nangyari gabi ng Sabado sa Iligan City, kung saan 8 suspek ang naaresto.Nakuha sa suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Pabilona, posible ring magkahawahan ng COVID-19 ang mga parokyano ng sinalakay nilang drug den dahil magkakalapit ang mga suspek, hindi nakasuot ng mask, at nagsasalo sa iisang drug paraphernalia.Pinagpapasyahan pa ng mga awtoridad kung isasama sa mga kakasuhan ang mga nahuli sa drug den, na sasailalim sa drug test. Watch more in iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.

Pulid di makilala dahil sa asal..

Ipagbawal pagsout nang mask kpa drugadik

Ito reason nila kung bakit di pa din nasugpo yung illegal drugs. 🤭

Hindi rin namin makilala dahil sa picture na ginamit niyo 🤪

Sorry ano daw? Haha

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.