MAYNILA - Maaaring malimitahan na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagpapadala ng mga overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.
Ayon kay Labor Sec. Silvestro Bello III, kasunod na rin ito ng mga reklamo mula sa mga kababayang manggagawa sa Saudi na hindi sila pinasasahod ng kanilang mga amo. Dagdag pa ni Bello, tinatayang aabot na ang suweldong ito sa P4.6 bilyon.Nakausap na rin aniya ang ambassador ng KSA para makialam ang gobyerno nito sa isyu pero wala pa itong ginagawang aksyon.
Nagpadala na rin ng liham si Pangulong Rodrigo Duterte sa hari ng Saudi Arabia pero wala pa rin itong sagot hanggang ngayon. Sa record ng DOLE, mayroong 13,000 OFW sa KSA ang hindi pinasuweldo ng kanilang mga employer ang nakabalik na sa bansa sa tulong na rin ng pamahalaan. Nilinaw naman ng kalihim na ang magiging limitasyon sa deployment ay para sa mga bagong manggagawa lamang. Sa pagtaya ng DOLE, aabot sa 3 milyon ang mga OFW sa Saudi Arabia.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »