Nakataas ang damit at walang saplot na pang-ibaba ang biktima nang matagpuan siya malapit sa isang tambak ng basura sa Barangay Villarica.
Ayon sa barangay police na si Ernesto Sepada, walang malay at halos hindi na makilala ang mukha ng biktima dahil sa dami ng sugat ng madatnan nila. "May butas ang kaniyang pisngi matapos hinampas ng bato. May pasa rin siya sa kaniyang puson," aniya.Nagpaalam umano sa kaniyang live-in partner ang biktima para pumunta sa isang internet cafe noong Miyerkules ng gabi.
"May Christmas party sila [noon]. Siguro nabagot siya kaya nag-internet, pero hindi na nakabalik," ani Janeth, ina ng biktima.May person of interest na ang pulisya sa insidente. "May mga witnesses na nakapagturo na barkada lang ng biktima ang suspek," ani Police Maj. John Rendaje, station commander ng Babak Sub-Station.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: CNN Philippines - 🏆 13. / 63 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »