hil sa banta ng COVID-19.
“Lahat kami medyo tutok kami sa balita, sa phone, kasi may takot na makakauwi ba kami? Papasukin ba kami ng Pilipinas kasi nasa ibang bansa kami? Gaano ba magiging strict ang lockdown? Aabot ba kami? Tuloy ba yung flight?” alala ni Panganiban nitong Sabado sa digitial conference ng pelikula na pinamagatang “bLOVE con.”
Dagdag pa nito, halos nakalimutan na niya na hindi pa tapos ang palabas na una nilang pagsasama ng “Ang Probinsyano” star na si Martin dahil sa tagal ng lockdown. Binalikan din ng direktor na si Mae Cruz-Alviar ang pinagdaanan nila sa Dubai dahil sa mga naging restrictions bunsod ng coronavirus. Ikinumpara pa ng direktor sa pagsisilang ng anak ang nangyari sa kanila. Aniya, para umano itong hirap sa pagluwal ng bata.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.