Eufemia Cullamat matapos mapaslang ng militar sa engkuwentro ang kaniyang bunsong anak na si Jevilyn, na sumapi sa New People's Army dahil umano sa naranasan nilang pang-aabuso bilang katutubo.
Pero hindi raw matanggap ni Cullamat ang ginawang pambababoy umano ng militar sa bangkay ng kaniyang anak, na tila ginawa raw tropeyo. "Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabastos at pambababoy sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar. Hindi niyo na ginalang ang patay, binabastos pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay ng aking anak," aniya.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.