Babae, patay nang pagbabarilin sa loob ng bahay sa Maynila

  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 48 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 23%
  • Publisher: 68%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

Nasawi ang isang babae matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila. Ang pagpatay, palaisipan sa pamilya dahil wala umanong masamang record sa barangay ang biktima.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Huwebes, makikita ang CCTV footage ng covered court ng Barangay 155 mag-8 p.m. ng Miyerkoles.

Mapapanood sa footage ang mga nagtatakbuhang residente na may sinusundang tatlong lalaki na buhat-buhat ang isang duguang babae.Dadalhin sana sa ospital ang babae, ngunit hindi na siya umabot nang buhay. “Nagsasandok ‘yung anak ko sa gawi roon. Bumili ng sigarilyo ‘yung bumaril, siya ang nag-abot. Ngayon ‘yung anak ko, kakain na, ito ‘yung lamesa nila dito sa tabing pinto. Ayun, niratratan na,” sabi ng ina ng biktima.Ayon sa ina ng biktima, walang nakakaaway o nakakaalitan ang kaniyang anak.

“Napakabait nu’ng anak ko. Walang ginagawa sa inyong masama. Kahit kanino. Sa barangay namin, walang record ‘yan, walang masamang record ‘yan para ganunin. Baka nagkamali lang kayo ng pinatay,” ayon pa sa ina ng biktima. Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na umangkas ang suspek sa isang motorsiklo at tumakas papunta ng Jose Abad Santos Avenue.Aalamin din ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 11. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Senakulo ng St. John Bosco Parish-Tondo sa Maynila, parang pelikula ang pagkakagawaMala-pelikula ang Senakulo 2024 na handog ng St. John Bosco Parish ng Tondo sa Maynila. Ang produksyon nito, de-kalidad, pinaghirapan, at pinaghandaan para sa napapanahon at may makabuluhang mensahe para sa lahat.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

3-anyos na babaeng naglalaro, patay matapos magulungan ng kotse sa CaviteNasawi ang isang tatlong taong gulang na batang babae na naglalaro matapos siyang magulungan ng isang kotse sa isang subdivision sa Naic, Cavite.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

3-anyos na babae, patay matapos saksakin ng sariling ama; suspek, patay dinNamatay ang isang babaeng tatlong-taong-gulang matapos siyang saksakin ng sarili niyang ama sa Inopacan, Leyte. Ang suspek, nagsaksak din sa sarili.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Binatilyong nasawi sa aksidente sa motorsiklo, napanaginipan ang mangyayari sa kaniya?'Malapit na ko kunin ni Lord.' Ito ang nakasaad sa text message ng isang 16-anyos na lalaki bago siya masawi makaraang dumausdos at bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang poste sa Mangaldan, Pangasinan.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

Mag-ina, 1 pa nilang kaanak, nasawi sa sunog sa PangasinanTatlong magkakaanak ang nasawi--kabilang ang mag-ina-- nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay sa Binmaley, Pangasinan.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »

17, nasawi sa banggaan ng passenger van at dump truck sa CotabatoUmabot na sa 17 tao ang nasawi sa nangyaring banggaan ng isang pampasaherong van at isang dump truck sa Antipas, Cotabato nitong Lunes. Ang mga biktima, nasunog pa.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »