MAYNILA — Hindi mapatahan sa pag-iyak ang asawa ng isa sa mga biktima ng bumagsak na steel girder sa East Service Road sa Muntinlupa ngayong Sabado ng umaga nang datnang wala na itong buhay sa ospital.
Kinilala ang biktima na si Edison Paquibot na inanunsyong dead on arrival sa Alabang Medical Clinic sa Muntinlupa matapos ang aksidente. Watch more in iWantTFC Ang 42 anyos ay nabagsakan ng steel girder habang binabaybay niya sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng East Service Road pasado 9 a.m., Sabado.Ayon sa kaniyang kaanak na ayaw magpakilala, papasok na sana ang biktima sa kanyang trabaho bilang safety officer sa isang proyekto ng kanyang tiyuhin sa Bonifacio Global City nang maganap ang aksidente.Pasado alas-4 na ng hapon dumating ang asawa at mga kaanak niya mula Bacoor sa Cavite.
Why dont they do such heavy lifting at night. Where traffic can easily be rerouted.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.