Antipolo Cathedral napili ng Vatican sa prayer marathon para wakasan ang pandemya

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 64 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 29%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

MAYNILA - Napili ng Vatican ang Antipolo Cathedral bilang isa sa mga Marian sanctuaries na lalahok sa 30 araw na prayer marathon para ipanalangin ang pagwawakas ng pandemya.

Isasagawa ang sabayang panalangin sa buong buwan ng Mayo, alas-6 ng gabi, oras sa Roma; o alas-12 ng hatinggabi, oras sa Pilipinas.“During each day of May, guided by a calendar with specific intentions, all the Shrines around the world, united in a communion of supplication, will lift up their prayers, which, like the fragrance of incense, will rise up to heaven,” ayon sa liturgical guide na inilathala ng Pontifical Council for Promotion of the New Evangelization.

“Thirty Marian Shrines will take turns leading this prayer throughout the Church and offering the faithful a series of prayer moments for them to participate throughout the entire day.”Naatasan ang Antipolo Cathedral na manalangin ng Holy Rosary para sa intensyon ng lahat ng pamilya.Ayon kay Fr. Nante Tolentino, rector ng National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, isang biyaya na mapabilang ang Simbahan ng Antipolo sa dami ng mga Marian shrine sa buong mundo.

“Napakahalaga nito at ito’y blessing para sa ating mga Pilipino. Alam naman natin, napakaraming mga international shrines, national shrines, diocesan shrines sa buong mundo. At 30 shrines lang ‘yung kailangan ni Pope Francis para makasama niya sa marathon rosary na ito,” saad ni Tolentino sa panayam ng ABS-CBN News Huwebes.

Sabi ni Tolentino, mahalagang lumahok ang komunidad sa panalangin ng mga simbahan para ipahayag ang nagkakaisang hiling ngayong higit isang taon na ang pandemya. “Simula nang magkaroon ng pandemic, nakita ‘yung importansya na tayo’y magkaisa at magsama-sama. Hindi lang sa pagi-ingat, hindi lang sa pagsugpo sa pandemic; kundi higit sa lahat, sa pagdarasal sa Panginoon, sa tulong ng Mahal na Birhen kasi lahat tayo apektado,” ani Tolentino

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Anak ng medical frontliner sa Dagupan, topnotcher sa pharmacist licensure examKuwento ng topnotcher mula Dagupan City, hindi raw naging madali ang sitwasyon lalo't nagkaroon ng pandemya.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Mga negosyo, hirap pa rin sa kita ngayong Mother's DaySa ikalawang taong pagdiriwang ng Mother's Day sa gitna ng pandemya, aminado ang mga negosyante na hirap silang kumita o makabawi man lang ng puhunan.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Pedicab driver hinangaan dahil sa pamimigay ng face shield, face mask, alcoholHindi naging hadlang sa isang pedicab driver ang kahirapan lalo na ngayong pandemya para makatulong sa kapwa sa abot ng kaniyang makakaya.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Mental health services alok sa mga malungkot, nagka-anxiety dahil sa pandemyaIto'y para magbigay ng psychological first aid para labanan ang nararanasang lungkot, stress, at anxiety dahil sa pandemya.
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Rappler @rapplerdotcom1Sambayan first Townhall: Kwento at kwenta sa panahon ng pandemya
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »