Kasabay ng pagdiriwang ng World Milk Day ay ang sama-samang pagkilos para mas mapaunlad pa ang industriya ng gatas.
Kasama sa pagtitipon ang mga lider ng dairy industry mula sa Department of Agriculture , Department of Education , at ang National Dairy Authority , pati na ang University of the Philippines Los Baños . Libu-libong pamilyang Pilipino ang sinusuportahan ng industriya ng dairy farming. Ayon kay NDA OIC-Admistrator Atty. Gavino Alfredo C. Benitez, ang dairy farming ay maasahan bilang “pinagmumulan ng kita, at sa pagsulong ng rural development.
Ayon kay Ms. Magdalene Carriaga, ang School-based Feeding Program ng DepEd ay nakatutulong para pagandahin ang “cognitive abilities at pag-aaral ng mga bata. Kapag maayos ang nutrisyon ng isang bata, maayos din ang pag-aaral niya.” “Nutrient-dense na inumin ang gatas,” paliwanag ni UPLB Director of the Institute of Human Nutrition and Food Professor Liezel Atienza. “Ang isang baso nito ay may calcium, protein, potassium, at iba pang bitaminang kailangan na katumbas ng iba pang mga pagkain.”
“Ang kabuhayang nakukuha nila mula sa industriya ng gatas ang nakatutulong sa kanila para mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang anak, matutukan ang kalusugan, at maitaas ang antas ng pamumuhay. Ito ang kabutihan ng gatas — naghahatid ng pag-unlad, at nagbabago ng buhay sa bawat baso,” ani Atty. Benitez.
Ang Alaska Milk Corp. ay nakipag-ugnayan sa UPLB CAFS Dairy Training and Research Institute at naglunsad ng matagumpay na short course sa Dairy Nutrition, Forage Production, and Feeding Management na ginanap sa University of the Philippines–Los Baños. “Higit pa sa paghahatid ng mga produkto; ang commitment namin ay ang makapaghatid ng makabuluhang pagbabago at makatulong sa mga pamilya,” dagdag pa niya.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: rapplerdotcom - 🏆 4. / 86 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »