tv Naranasan mo na bang mapabili sa mall nang hindi planado dahil naakit ka rito, para lang din malaman kalaunan na hindi mo rin naman pala ito kailangan?
Ang nabanggit na sitwasyon ay halimbawa ng impulse buying na inilarawan ng financial planning expert na si Pearl Joy Gonzales bilang "matinding pagnanasa na bumili ng isang bagay na hindi naman kailangan, hindi importante, at hindi planado." Dahil maaaring makasakit sa pitaka ang paulit-ulit na impulse buying, nagbahagi si Gonzales ng tips para makaiwas sa maaksayang pagbili:Ipinayo ni Gonzales sa mga mamimili na tukuyin ang kanilang pangangailangan na siyang dapat unahin sa mga gastusin, sa halip na mga luho.
"Ano ba 'yong importante? 'Yong bills na kailangan nating bayaran buwan-buwan. Kailangan alam natin ano 'yong priority natin, mga gastusin sa bahay," ani Gonzales, na mula rin sa financial comparison website na iMoney Philippines.Mainam din sa mga mamimili na itala ang bawat napupuntahan ng sahod, ayon kay Gonzales."Importante malaman kung saan napupunta 'yong bawat sentimo na pumapasok sa iyong suweldo, kung namo-monitor mo ba 'yong expenses mo," aniya.
"Kailangan i-reward rin naman natin ang sarili. Mag-allocate din tayo ng budget [para sa luho]," aniya.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »
Source: manilabulletin - 🏆 25. / 51 Read more »
Source: cebudailynews - 🏆 8. / 71 Read more »