Sa inilabas na pahayag ng Laguna Police Provincial Office , sinabing ang arrest warrant laban kay Dindo, 61-anyos, ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 101 ng Santa Rosa City, Laguna.
Nahaharap ang aktor sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 , na may kaukulang piyansa na P10,000 sa bawat kaso.Sinusubukan pa ng GMA News Online na makuha ang pahayag ng aktor. Ayon kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, officer-in-charge ng Laguna PPO, ang pag-aresto kay Dindo ay patunay na “the law applies to all.” --
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.