Covıd 19, Zamboanga Del Sur, Covıd-19 Zamboanga Del Sur Updates, Virus, Covıd-19 Zamboanga Del Sur Recoveries, Tagalog News, Regional News, Zamboanga Del Sur Coronavirus-Free Na Sa Paggaling Ng 3 Pasyente | Abs-Cbn News

Covıd 19, Zamboanga Del Sur

Zamboanga del Sur coronavirus-free na sa paggaling ng 3 pasyente

5/29/2020 1:25:00 PM

Zamboanga del Sur now COVID19-free after its 3 patients recover

Ayon kay Jesrel Himang, Information Officer ng Zamboanga del Sur Provincial government, nagnegatibo na sa pinakahuling Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test ang tatlong pasyente na kinabibilangan ng isang sundalo, negosyante at opisyal ng Department of Education.

Virus cases on sharp rise since start of July: AFP tally 10 million kids 'may never return to school' after virus [OPINION] Who needs enemies when you have a President like Duterte?

Dalawa sa mga ito ay ilang linggo ding naka-admit sa Zamboanga del Sur Medical Center matapos mag-positibo sa COVID-19.Sabi ni Himang, sabay lumabas ng ospital ang negosyante at DepEd official nitong Huwebes, habang ang sundalo naman ay nakalabas na rin sa isolation facility ng Philippine Army 1st Infantry Division sa Labangan.

Marso 30 nang magpositibo sa virus ang sundalo na may travel history sa Metro Manila. Matapos ang isang linggo ay pinalabas na siya sa ospital matapos mag-negatibo sa RT-PCR test.Pero dalawang linggo matapos siyang ma-discharge sa ospital ay kinuhanan siya muli ng swab specimen at nag-positibo muli sa COVID-19.

Hindi na siya ibinalik sa ospital at nanatili na lamang sa isolation facility ng 1st Infantry Division dahil asymptomatic naman ito.Abril 1 naman nang magpositibo sa COVID-19 ang isang opisyal ng DepEd na taga-Aurora. Nag-negatibo siya sa unang RT-PCR test. Pero dahil may mga sintomas siya ng COVID-19 ay kinuhanan muli siya ng swab sample noong Abril 7.

Sampung araw makalipas ay lumabas ang resulta ng test kung saan nagpositibo siya sa virus.Abril 2 naman dinala sa Zamboanga del Sur Medical Center ang isang negosyante na taga-Pagadian City.Kinuhanan siya ng swab sample sa kaparehong araw, pero sa 'di malamang dahilan ay hindi dumating ang resulta ng kaniyang RT-PCR test.

Muli siyang kinuhanan ng swab specimen noong Abril 22 at makalipas ang walong araw ay dumating ang resulta nito at nagpositibo siya sa sakit.Sa ngayon, wala nang active COVID-19 case sa Zamboanga del Sur. Pero sa kabila nito ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang ilang anti-COVID-19 measures sa probinsya, gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at pagbabawal sa mga taong may edad 20 anyos pababa at 60 anyos pataas na lumabas ng bahay.

Simula Hunyo 1 ay isasailalim na sa modified general community quarantine ang Zamboanga del Sur, alinsunod sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.Sa buong Western Mindanao, umaabot na sa 152 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 146 dito ay nagmula sa Zamboanga City, 5 naman sa Zamboanga del Sur, at 1 sa Zamboanga del Norte.

DOH misses daily COVID-19 update due to ‘significant volume of data’ ABS-CBN supporters muling nag-noise barrage Consecrated hosts found intact after Sto. Niño church fire in Manila

Ang Zamboanga Sibugay na lang ang wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon 9. Read more: ABS-CBN News »

After getting sidetracked by storm, BRP Davao Del Sur finally homebound

Martin del Rosario, bilib sa appealing style ng fashionable PPEs“Ginawan niya ako ng design na may...' Ibinida ng Kapuso hunk na si Martin del Rosario ang fashionable PPEs na gawa ng isang local designer. Tingnan DITO: aub_aub_aub ka-awra mo to. HAHAHAHA Barbie.

Alden Richards, nabiktima ng prank call ni Lovely Abella!Sa YouTube vlog ng showbiz couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo, nag-prank call sila kay Alden Richards upang manghingi ng 'relationship advice.' Panoorin dito: Napakabait nia ung aircon ni lovely siya ang bumili grabeee aldenrichards02 pambansang dimple na original aldub u talaga Grabeee napanood ko yan ang sarap pakinggan ng boses ni Alden malambing at napakabait talaga and hoping na siya pa dn sila pa dn ni mainedcm ang pinagtagpo pero Sana itindhana ulit na magkasama sa tamang panahon movefourth Me pa-aircon pala si Boss😉

WATCH: Full Playlist Live performance nina Will Ashley, Julius Miguel at Vince CrisostomoHumanga sa husay sa pagkanta ng 'Prima Donnas' boys na sina Will Ashley, Julius Miguel at Vince Crisostomo! Balikan ang kanilang performance dito!

JK Rowling publishes first chapters of new story onlineCDNTopStories: J.K. Rowling is publishing a new story called “The Ickabog,” which will be free to read online to help entertain children and families stuck at home during the coronavirus pandemic. Read more:

Arnold Clavio, ikinuwentong si Tom Rodriguez ang nag-inspire sa kanya sa pag-sketchDahil sa mga sketch ni Arnold Clavio, nakabuo siya ng libro na kanyang ibinebenta para sa mga batang nangangailangan. Boo! Fake news peddler 👎🏻👎🏻 Ito po ngyari ng meralco laspinas npadami tao umaga palang dagsa n mga senior citezen nkapala salamat