TINGNAN: Libing nagpatuloy sa gitna ng matinding baha sa Ilocos Norte

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 36 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 18%
  • Publisher: 83%

Philippines Headlines News

Philippines Latest News,Philippines Headlines

ILOCOS NORTE—Sa kabila ng matinding baha na dulot ng bagyong Ineng, nagpatuloy ang libing para sa isang 23 anyos na babae sa Laoag City nitong Sabado.

Sa kuhang retrato ni Debra Matulin, makikitang abot-dibdib na ang taas ng baha sa Barangay 42 Apaya habang hinahatid sa huling hantungan ang kaniyang hipag na si Milagros Aguinaldo, na namatay sa sakit na lupus.

Buhat ng aabot sa 6 na residente ang kabaong para lang maihatid si Aguinaldo sa huli niyang hantungan. Ikinalulungkot daw ni Matulin na humantong pa sa ganoon ang kanilang pamamaalam sa namayapang kaanak. "Lubos naming ikinalulungot ang pagpapaalam namin sa’yo sa ganitong paraan. Dobleng sakit ang aking nararamdaman. Hindi namin inaakala na aabot ng ganito. Ipagdasal mo sana kami at sana makapagpahinga ka nasa piling ng Diyos," aniya sa salitang Ilokano. Tinamaan ng matinding baha ang probinsiya bunsod ng hagupit ng bagyong Ineng, dahilan sa matinding baha sa lungsod.

Isinailalim nitong Sabado sa state of calamity ang buong probinsiya ng Ilocos Norte, kung saan dalawa na ang namatay.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

TINGNAN: Bahagi ng kalsada sa Benguet di madaanan dahil sa rockslide
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Operasyon ng PNR sa Makati nagpatuloy na
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Ilang bayan sa Iloilo naperwisyo ng baha; 11 pamilya inilikas
Source: ABSCBNNews - 🏆 5. / 83 Read more »

Naomi, tutuluyan na si Yvie? | Ep. 29Paano malalabanan ni Yvie ang kasamaan ni Naomi sa 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko'?
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

Ang pagkakasakit ni Jasmine | Ep. 40Sa August 23 episode ng 'The Better Woman,' aatakihin ng sakit si Jasmine (andreaetorres) dahil sa ginawa ng kapatid.
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »

Birthday girl na si 'Sexy Hipon' Herlene, naiyak sa sorpresa ni Kuya WilBumuhos ang luha ni 'Sexy Hipon'€ Herlene Budol sa inihandang sorpresa sa kaniya ni Kuya Wil sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan sa 'Wowowin.'
Source: gmanetwork - 🏆 12. / 63 Read more »