Inatasan ng Italian data privacy watchdog ang video app na TikTok Biyernes na i-block ang account ng mga users sa Italy na hindi beripikado ang edad matapos ang pagkamatay ng 10-anyos na batang babae na gumagamit ng app.
Ayon sa tagapagsalita ng video app sa Italy, ina-analyze na nito ang komunikasyon na natanggap mula sa mga awtoridad. Ibinaba ng watchdog ang utos nito sa TikTok matapos mamatay ang batang babae sa asphyxiation sa Palermo, Sicily. “The watchdog decided to intervene as a matter of urgency following the terrible case of the 10-year-old girl from Palermo,” ayon sa mga awtoridad.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.