Halalan 2022, Halalan 2022, Social Media And Elections, Elections Philippines, Social Media Sukatan Ba Ng Popularidad Sa Halalan? | Abs-Cbn News

Halalan 2022, Halalan 2022

Social media sukatan ba ng popularidad sa halalan?

Kasikatan sa social media sukatan ba ng popularidad ng kandidato? #Halalan2022

9/25/2021 3:30:00 PM

Kasikatan sa social media sukatan ba ng popularidad ng kandidato? Halalan2022

Kani-kaniyang diskarte muna sa social media ang ilang kakandidato sa Halalan 2022 dahil sa pandemya.

Kung bilang ng social media followers lang ang pagbabasehan sa tatlong nagdeklarang tatakbo sa pagkapangulo, llyamado si Sen. Manny Pacquiao dahil nasa 18.2 milyon ang kaniyang mga follower sa Facebook at 2.6 milyon naman sa Twitter. Pumapangalawa naman si Manila Mayor Isko Moreno na may 5.4 milyong follower sa Facebook at 933,000 followers sa Twitter. 

Duterte dares senators: Slash government agencies’ budget but prepare for showdown Dela Rosa vows to protect Duterte against ICC probe Duterte dares senators: Slash government agencies’ budget but prepare for showdown

Sumunod naman si Sen. Panfilo Lacson na nasa 358,000 followers sa Facebook at higit 43,000 sa Twitter. Pero ayon sa mga mga eksperto, nakakapanlansi ang bilang ng followers online. “There are people who are interestingly following your career may be benefitting from your program as a vlogger, but will not necessarily vote for you. That's a whale of a difference really to vote for you and to be your fan. It doesn't translate automatically," anang campaign strategist na si Gerardo Eusebio. 

Dagdag ni Eusebio, dahil naging negosyo na ng troll farms, maging ang followers at ang mga komento sa social media ay puwede na ring ma-add to cart ng mga empleyado. "A lot of people in our field have been telling me that if you do not have trolls yourself, you would probably be left out," ani Eusebio.  headtopics.com

Bagama't isa ang Pilipinas sa mga pinakaaktibong bansa sa social media, hindi rin aniya kaya ng social media na sukatin nang tama ang popularidad ng isang kandidato dahil hidni naman lahat ng Pilipino ay gumagamit ng Facebook, Instagram, o Twitter. 

Ang isang social media user ay maaari ring mag-follow ng lahat ng kakandidato, di katulad ng sa eleksyon kung saan isa o limitadong bilang lamang ang maaaring piliin. Ayon sa creative communications at branding expert na si Joyce Ramirez, ang social media ay behikulo lamang para maipakalat ang mensahe ng isang kandidato. 

"What social media does is to merely amplify the message," aniya. Aniya, ang kuwento at plataporma ng isang politiko at hindi ang bilang ng social media followers ang tunay na nakaakanengganyo sa mga boboto. "Ultimately, it is the messaging that will determine a win or a loss," aniya. 

Kaya naman paalala ng mga eksperto sa mga botante, huwag bumoto base sa pagiging viral ng isang kandidato kung di pag-aralan ang kaniyang track record at mga plataporma bago pumili ng ihahalal sa Mayo. -- Ulat ni Katrina Domingo, ABS-CBN News Read more: ABS-CBN News »

Maria Ressa: Nobel award ‘for all journalists’

Ressa and Russian journalist Dmitry Muratov were awarded the prize on Friday for their efforts to 'safeguard freedom of expression'.

Bakit naungosan ba ng social media ang ABS CBN sa pagpromote ng mga kandidato para sumikat? Hoy walang gastos at pinagkakitaan pa yang social media na di kagaya ng flatform ninyo na mahal na, di pa ideniliver tamang serbisyo tulad sa ginawa nila sa ads ni Tatay Digong. Hindi usyoso lang iba kahit haters 😆

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos exchange sweet messages on social mediaRyan Agoncillo and wife Judy Ann Santos prove once again that they are the real CoupleGoals! ❤️

Social media followers can't be translated into votes: analystsSeveral campaign teams have been working to drive more engagements in the social media pages of political aspirants, months before election day.

Social media followers can't be translated into votes: analystsSeveral campaign teams have been working to drive more engagements in the social media pages of political aspirants, months before election day. Korek. Si Mocha Uson, Willie Ong, natalo sa eleksyon! One on one bout. Manny Pacquiao (MannyPacquiao) versus Yorme Isko (IskoMoreno) for President of the Philippines Philippines Votes 2022 Manila Philippines2022 iPhone13

Pinoy viral sa paggaya ng dunk nina LeBron, JordanPinag-uusapan ngayon sa social media ang mga video ng panggagaya ni Jay Carlo Davalan Damolo sa mga sikat na dunks. minsan masama din influence ni Jordan sa sport at yan ang inaatupag ng pinoy. ang importante shooting kahit saan makakapasok ang bola.

Isyu ng dayaan sa 2019 elections sa Lipa City naungkatNais ni Bernadette Sabili na maupo na bilang alkalde ng Lipa City, Batangas matapos matuklasan ang dayaan umano sa nakaraang halalan.

ALAMIN: Ilang payo dahil sa pagluluwag sa face shieldsMay mga payo ang isang doktor kung lalabas nang bahay sa harap ng pagluluwag ng mga polisiya tungkol sa pagsusuot ng face shields.