Respondent sa Dacera case, na-'pressure' sa anggulong droga; Dacera camp, pulis tumanggi sa bintang

Patrolph, Tagalog News

1/14/2021 6:20:00 PM

Respondent sa Dacera case, na-'pressure' sa anggulong droga ; Dacera camp, pulis tumanggi sa bintang

Matatandaang sa salaysay ni JP dela Serna noong Enero 1, sinabi niya na may nakita siyang droga na inilabas mula medyas ni Mark Anthony Rosales.Pero sa kanyang bagong affidavit, binawi niya ito ay sinabing tinakot at na-pressure lang siya ng pulis.Sa affidavit din na iyon, sinabi niya na kasama ang pamilya Dacera sa interrogation kung saan siya na-pressure na banggitin ang anggulong droga.

Watch more in iWantTFC Sa sobrang gulo umano ng kanilang isipan ay napapayag sila sa isinubong salaysay ng pulisya.Pero itinanggi ng spokesperson ng pamilya Dacera na nam-pressure sila ng mga respondent at sila ay kasama sa nanggipit.Mariin ding itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Vicente Danao na may pamimilit o panggigipit na nangyari sa mga respondents.

Read more: ABS-CBN News »

- Hindi ako naniniwalang pinatay sya ng mga fiends nya. Tsaka makailang beses sya pabalik balik sa kabilang room.