Nakapako ngayon sa P270 hanggang P300 ang presyo ng karneng baboy dahil sa ipinatupad na price freeze ng gobyerno. Nagumpisa ito noong Lunes, Pebrero 8, at magtatagal nang dalawang buwan.
Watch more in iWantTFC "We have decided to waive their rental fees to help them cope with the current crisis, and we enjoin our private markets to do the same,” ani QC mayor Joy Belmonte sa pahayag na inilabas ng LGU sa kanilang website. Hinimok din ng lokal na pamahalaan ang ibang palengke na sumunod sa pag-waive ng renta bilang tulong sa mga negosyante. Bago ang price freeze, umabot sa mahigit-kumulang P400 ang presyuhan nito sa palengke sa Kamaynilaan, bagay na itinuturo ng mga hog raiser sa kakulangan ng baboy na dala ng African swine fever.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.